P2.5-milyon 'shabu' nakumpiska sa Bacoor

ABS-CBN News

Posted at Apr 29 2018 03:12 PM

Makikita sa larawang ito ang marked money at hinihinalang droga na nakuha sa 2 suspek. ABS-CBN News

BACOOR, Cavite - Nasamsam ng mga awtoridad ang P2.5 milyon na halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation sa bayan na ito, Linggo ng umaga. 

Naaresto ng mga operatiba ang isang Nigerian national at kasamahan nitong Pilipino. 

Inilagay ng mga suspek ang 500 gramo ng pinaniniwalaang droga sa side mirror ng sasakyan, ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). 

Iniimbestigahan ng PDEA kung ipinadadala lamang sa Pilipinas ang mga nakumpiskang droga. -- Ulat ni Fay Virrey, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.