Bangkay ng lalaki natagpuan sa Ilog Pasig

Fred Cipres, ABS-CBN News

Posted at Apr 29 2018 03:17 PM

MAYNILA - Isang bangkay ng lalaki ang natagpuang palutang-lutang sa Ilog Pasig, sa bahagi ng Delpan, Binondo, ngayong Linggo.

Kinilala ng mga kamaganak ang lalaki na si Joselito Gabasco, 44, residente ng Barangay 402, sa Sampaloc. 

Ayon sa Manila police, isang concerned citizen ang nakakita sa bangkay ng lalaki. Agad niya itong ipinagbigay-alam sa barangay na nakipagugnayan sa pulis at sa coastguard.

Walang nakitang sugat o injury sa katawan ng lalaki. Wala ring nakuhang pagkakakilanlan dito. Dinala sa archangel funeral parlor ang bangkay ng lalaki

Nakilala lamang ang lalaki nang dumulog sa pulisya ang anak nito. 

Patuloy pa ang imbestigasyon ng pulis sa kung paano namatay ang lalaki.