2 sugatan sa pagsabog sa labas ng simbahan sa Koronadal

ABS-CBN News

Posted at Apr 29 2018 03:38 PM | Updated as of Apr 29 2018 04:01 PM

Iniinspeksyon ng mga awtoridad ang lugar kung saan sumabog ang isang pinaniniwalaang IED, Linggo. ABS-CBN News

KORONADAL, South Cotabato - Dalawa ang sugatan matapos sumabog ang isang hinihinalang homemade na bomba sa labas ng Saint Anthony Parish sa lungsod na ito, Linggo. 

Isinara sa mga motorista ang Alunan Avenue, Rizal Street at Roxas Street dahil sa insidente, ayon kay Chief Supt. Marcelo Morales, hepe ng Soccsksargen police. 

Iniutos na rin ni Morales na higpitan ang seguridad sa mga karatig na lugar. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.