TFC News

PH Embassy Beirut nag-donate ng children's books sa Lebanese school

TFC News

Posted at Apr 28 2023 12:35 PM | Updated as of Apr 28 2023 12:45 PM

BEIRUT - Nagbigay kamakailan ng donasyong librong pambata at iba pang babasahin ang Philippine Embassy sa Lebanon sa Collège de la Sagesse St. Jean Brasilia sa pangunguna ni Philippine Ambassador to Lebanon Raymond Balatbat.

Bilang bahagi ng selebrasyon ng unang Philippine Cultural Week Festival noong Marso, itinampok ng nasabing paaralan ang kultura at kasaysayan ng Pilipinas sa pamamagitan ng iba-ibang gawain at aktibidad.

1
Ginanap ang handover ceremony sa Collège de la Sagesse St. Jean Brasilia. (Mula kaliwa): Vice Consul Glaiza M. Quarteros, Vice Consul Miko D. Cabatingan, Ambassador Raymond R. Balatbat, Rev. Fr. Jad Chlouk, Ms. Rania Wakim, at Cultural Officer Rose Anne F. Dalumpines. (Beirut PE photo)

Napili ng embahada ang pagbibigay ng mga libro sa ilang Lebanese academic institutions para mapagtibay ang people-to-people ties ng dalawang bansa. Personal na iniabot ni Balatbat ang Philippine books kay Fr. Chlouk na idinagdag agad sa koleksyon ng kanilang aklatan.

2
Inihandog ni Ambassador Raymond R. Balatbat kay Rev. Fr. Jad Chlouk ang children’s books. (Beirut PE photo)

Ang mga donated Filipiniana books ay coffee table books tungkol sa Philippine textiles, cuisines at storybooks na may Filipino at English translations mula sa Adarna House, Inc. para sa early grade school students.

Nagkaroon din ng storytelling activities ang mga mag-aaral tulad ng “Cora Cooks Pancit.”

Ang embahada ang nagbigay ng materyales para sa Magic Mat, Bakawan at Ang Ambisyosong Istetoskop stories. Ang Filipino storybooks ay kapupulutan ng mga aral tungkol sa kultura, kagandahang-asal, at pagpapahalaga ng lahing Pilipino na maaring magamit ng mga Lebanese na mag-aaral sa kanilang paglaki.

Para sa mga nagbabagang mga balita tungkol sa ating mga kababayan sa Lebanon, tumutok sa TFC News sa TV Patrol.