PatrolPH

Pulis patay sa pamamaril sa Mandaluyong; suspek patay rin

ABS-CBN News

Posted at Apr 28 2022 08:23 PM | Updated as of Apr 29 2022 10:07 PM

Patay ang isang pulis matapos na barilin Huwebes ng tanghali sa Barangay Highway Hills, Mandaluyong City.

Ayon sa punong-barangay na si Rolando Rugay, suspek sa pamamaril ang kanyang driver na si Gerry Geron. Napatay din ng mga pulis ang suspek.

Hindi pa malinaw ang motibo sa pamamaril sa pulis.

Nakunan sa CCTV ng barangay ang insidente.

Wala pang ipinalalabas na opisyal na pahayag ang Mandaluyong PNP sa insidente.

-- Ulat ni Jose Carretero, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.