PatrolPH

66 anyos na lalaki huli sa umano'y pagtatanim, pagbebenta ng marijuana

ABS-CBN News

Posted at Apr 28 2022 02:39 PM

Larawan mula sa PDEA Sorsogon
Larawan mula sa PDEA Sorsogon

Arestado ang isang 66 anyos na lalaki sa Sorsogon City sa ikinasang buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Miyerkoles.

Inaresto ang suspek sa Barangay Bibincahan matapos magbenta ng isang sachet ng hinihinalang marijuana sa PDEA poseur-buyer, sabi ni Cotton Yuson, tagapagsalita ng PDEA sa Bicol.

Tumambad sa mga operatiba ng PDEA ang isang plastic bag na naglalaman ng humigit-kumulang 500 gramo ng tuyong mga dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P60,000. 

Nakuha rin ang 28 piraso ng marijuana seedlings sa mismong bahay ng suspek kung saan ikinasa ang operasyon.

Sa imbestigasyon, lumalabas na galing mismo sa itinanim at inaalagaang halamang marijuana sa bahay ng suspek ang mga narekober sa kaniya.

Kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang haharapin ng suspek na nasa kustodiya na ng Sorsogon City Police Station.

— Ulat ni Karren Canon

 KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.