PatrolPH

Most wanted ng Maynila dahil sa pagpatay ng landlord tiklo sa Cavite

Lady Vicencio, ABS-CBN News

Posted at Apr 28 2021 06:28 AM | Updated as of Apr 28 2021 11:54 AM

Watch more News on iWantTFC

MAYNILA—Matapos ang higit 1 taong pagtatago, hawak na ng mga awtoridad ang tinaguriang most wanted person ng Manila Police District.

Tatlong buwan minanmanan si Rodel Seviel, 47, ng mga awtoridad para matunton siya.

Nagtago umano siya sa Quezon at kinalaunan sa kaniyang mga kamag-anak sa Cavite kung saan siya inaresto Martes ng gabi.

Wanted siya sa kasong pagpatay sa kaniyang landlord na dalawang beses niyang sinaksak. Ayon sa pulisya, matagal nang may alitan ang suspek at ang biktima na naging motibo sa pagpatay.

Napuno na lang umano ang suspek dahil tinataasan ng P1,000 ang upa sa kaniya at pinalayas agad ang kaniyang pamilya nang umalma siya.

Lagi rin siyang nakatatanggap umano ng masasakit na salita mula sa landlord.

Ayon naman sa suspek, hindi niya intensyong pumatay.

Haharapin niya ang kasong murder na isinampa sa kaniya.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.