PatrolPH

Mga mangingisdang Pinoy dapat magbabad sa West PH Sea: BFAR

ABS-CBN News

Posted at Apr 28 2021 08:48 PM

MAYNILA — Dapat magbabad o postehan ng mga mangingisdang Pinoy ang West Philippine Sea.

Ito ang iginiit ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), sa gitna ng patuloy na ilegal na okupasyon ng China sa naturang karagatan.

"Kailangang hindi natin iabandona ang traditional fishing grounds, common fishing grounds kasi since time immemorial nagpupunta tayo dun eh. Kung hindi tayo magpapakita, kung di pupunta ang ating fishermen dun o fishing vessels at ating government assets, parang inabandona na natin yun," paliwanag ni BFAR director Eduardo Gongona.

Sabi pa ni Gongona, may kontribusyon ang West Philippine Sea sa suplay ng isda sa Metro Manila.

Nagpo-prodyus ang West Philippine Sea ng nasa nasa 324,000 metric tons ng isda habang ang Palawan bilang bahagi nito ay pinagkukunan ng 92 percent ng galunggong, aniya.

Importanteng aniyang protektahan ang West Philippine Sea bilang fishing ground o lugar pangisdaan, kaya nagsagawa ng joint maritime exercises ang Philippine Coast Guard at BFAR para manatili ang presensya at access sa karagatan.

"Hinihikayat namin yung mga fishermen natin, sabi ko nga sa West Philippine Sea, we should swarm the area with our fishermen," ani Gongona.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.