PatrolPH

5 sangkot umano sa ilegal na online sabong tiklo sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Apr 28 2021 12:15 PM

DAVAO CITY— Lima ang naaresto sa Barangay Tamugan, sa Marilog District sa siyudad na ito matapos masangkot sa online sabong, gabi ng Martes. 

Sumalakay ang mga pulis kasama ang mga tauhan ng Regional Special Operations Group 11 (RSOG-XI) matapos makatanggap ng report sa ilegal na aktibidad sa nasabing lugar. 

Naaktuhan ng mga pulis ang lima habang nanonood ng online sabong. 

Nakumpiska mula sa mga nahuli ang TV, laptop, wifi router at hinihinalang pusta na nagkakahalaga ng P3,000. 

Nahaharap ang lima sa kasong paglabag sa Presidential Decree No. 1602 laban sa illegal gambling. 

Noong unang linggo ng Abril, 11 katao ang nahuli sa isang compound sa Talomo dahil rin sa online sabong, hindi pagsuot ng facemask, at di pagsunod sa social distancing.

—Ulat ni Francis Magbanua

KAUGNAY NA VIDEO: 

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.