Lalaking nangikil umano sa 4Ps beneficiaries timbog

ABS-CBN News

Posted at Apr 28 2020 02:44 PM

Arestado ang isang lalaki sa bayan ng Buenavista, Agusan del Norte matapos umanong mangikil mula sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

Hinuli noong Linggo sa entrapment operation ng mga pulis at sundalo si Jomar Gomez, na dati umanong miyembro ng New People's Army (NPA)

Inireklamo umano si Gomez dahil sa umano ay pananakot para mabigyan ng P1,000 hanggang P2,000 kada buwan.

"Nakasanayan na niyang gawin ito kahit noong kasapi pa siya ng CPP-NPA, 'yong manakot para magkapera," ani Police Maj. Renel Serrano, tagapagsalita ng Caraga police.

Kinasuhan ng robbery with violence against persons or intimidation of persons si Gomez.

-- Ulat ni Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.