ALAMIN: Mga puwede, bawal gawin ng pulis sa loob ng inyong pamamahay

Mike Navallo, ABS-CBN News

Posted at Apr 28 2020 08:15 PM | Updated as of Apr 28 2020 09:36 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Iba-iba ang naging reaksiyon sa nangyaring insidente sa Dasmariñas Village sa Makati City sa pagitan ng isang pulis at isang dayuhan.

Pero napukaw nito ang tanong: Ano nga ba ang puwede at hindi puwedeng gawin ng mga pulis sa loob ng iyong pamamahay? Puwede ka bang arestuhin habang nasa loob ng iyong bakuran?

Para kay retired Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio, kailangang kumuha ang mga pulis ng arrest o search warrant mula sa korte bago makapang-aresto o manghalughog sa loob ng isang bahay o condo.

"The rule is your private residence is your castle. Police cannot enter without your consent. If they want to enter, they have to get a court warrant," giit ni Carpio. 

Sa ilalim kasi ng Bill of Rights sa Konstitusyon, protektado ang seguridad ng mamamayan sa loob ng sarili nitong tahanan laban sa hindi makatwirang paghahanap at pagkumpiska ng gamit.
 
Maaari pa ngang kasuhan sa revised penal code ang mga pulis ng violation of domicile kapag pumasok nang walang court order.

Para kay Carpio, maituturing na sakop ng bahay ang bakuran at driveway, maging ang common areas ng isang condo.

"The police right now have that idea that because there’s a quarantine, you have to stay inside your unit, if you are in a condominium, and inside your house if you are in a single detached house. But they don’t understand that your house, what’s protected is your entire house, including your yard... In rulings in the US from where we adopted this fundamental right, security in residence, your driveway is part of your residence. It’s also protected against unreasonable searches and seizures."

Depensa ni DILG Secretary Eduardo Año, puwedeng ituring na warrantless arrest ang nangyari sa banyagang si Javier Salvador dahil lumabag umano sa batas ito habang nasa lansangan pa.
 
Sa rules of court, posible ang warrantless arrest kapag nahuli sa akto na gumagawa ng krimen, kapag hot pursuit o hinahabol ng pulis ang isang taong alam niyang may nagawang krimen at kung nakatakas na bilanggo ang huhulihin.

"If you look at the video, they're not inside the property, they were on the streets. It was already doing the arrest that they went in front of the house. It's allowed by law, it's called hot pursuit... Even if the guy went inside the house, if you're arresting somebody, you're allowed by law," ani Año.

Pero hindi sang-ayon dito si Comelec commissioner Rowena Guanzon. Wala umanong ginawang krimen si Salvador kahit pa umiinom ito sa loob ng sariling bahay.

"Tingnan mo naman 'yung disadvantage ng citizen. Ang pulis lang mismo ang nagsasabi na you’re committing a crime. Tapos when you argue no, you are not, iha-handcuff ka niya and if you refuse to be handcuffed you are now resisting arrest? Ano ba naman yan? Tama ba yan?"

Naging isyu uli ang karapatan sa loob ng pamamahay sa pagpapatupad ngayon ng enhanced community quarantine.

Pero dati na itong binabanggit ng mga human rights groups sa dami nang naaresto at napatay sa loob ng kani-kanilang bahay sa ilalim ng Oplan Tokhang.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.