PatrolPH

21 bahay natupok sa Antique

ABS-CBN News

Posted at Apr 28 2020 03:08 PM | Updated as of Apr 28 2020 03:44 PM

21 bahay natupok sa Antique 1
Retrato mula sa Antique Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office

Aabot sa 21 bahay ang natupok sa bayan ng San Jose, Antique noong gabi ng Lunes, ayon sa lokal na Bureau of Fire Protection (BFP).

Pasado alas-6 ng gabi nang makatanggap ang BFP ng tawag ukol sa sunog sa Barangay 4, na idineklarang fire out bandang alas-7:19 ng gabi.

Wala namang naiulat na nasugatan sa insidente.

Pansamantalang nananatili sa eskuwelahan sa karatig-barangay ang mga nasunugan.

Patuloy ang imbestigayson ng mga awtoridad sa sanhi ng sunog.

-- Ulat ni Regi Adosto, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.