Lalaki arestado sa pagbebenta umano ng droga bala ng shotgun

Fred Cipres, ABS-CBN News

Posted at Apr 28 2019 08:02 AM

MANILA - Timbog ang isang mekaniko sa buy-bust operation sa Caloocan dahil sa pagebebenta umano ng bala ng shotgun at pagtutulak ng droga.

Ayon sa Northern Police District, nakabili ng limang bala ng shotgun mula sa suspek ang isang pulis na nagpanggap na buyer. 

Matapos makabili ng mga bala ay inalok pa umano nito ang buyer kung gusto nitong bumili din ng illegal na droga.

Agad na inaresto ang suspek ng mga operatiba matapos ang transaksiyon. 

Nakumpiska mula sa suspek ang mga bala ng shotgun, buy-bust money at apat na sachet ng hinihinalang shabu. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.