4 sasakyan nagkarambola sa NLEX

ABS-CBN News

Posted at Apr 28 2019 02:57 PM

MAYNILA — Apat na sasakyan ang nagkarambola sa northbound lane ng North Luzon Expressway (NLEX) nitong Linggo ng umaga.

Nangyari ang insidente bandang 9:48 ng umaga, na kinasangkutan ng isang military truck, coaster, SUV, at sedan sa isang overtaking lane sa Balagtas, Bulacan area, sabi ni NLEX traffic control specialist Micheal Mallari.

Isang lane ang sinakop ng karambola pero hindi naman daw ito nagdulot ng pagbigat sa trapiko dahil tatlong linya pa ang nadaanan ng ibang motorista.

Wala ding naitalang nasaktan sa naturang aksidente.

Pasado alas-10 nang maialis ang mga sasakayan sa 

Patuloy pa ang imbestigasyon sa aksidente.

—Ulat ni Fred Cipres, ABS-CBN News
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.