2 motorsiklo sinalpok ng van sa Agusan Del Norte; 1 patay

ABS-CBN News

Posted at Apr 28 2019 09:01 PM

CABADBARAN, Agusan Del Norte — Patay ang isang lalaki matapos mabangga ng van ang minamaneho niyang motorsiklo nitong tanghali ng Linggo sa lungsod na ito.

Nasugatan naman ang rider ng isa pang nasalpok na motorsiklo at isang pasahero ng van.

Nawalan umano ng kontrol ang driver ng van, dahilan para sumalpok sa 2 motorsiklo.

Ikinulong ang driver sa kasong reckless imprudence resulting in homicide, serious physical injury at damage to property.

-- Ulat ni Richmond Hinayon, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.