13 sugatan sa naaksidenteng van sa Ilocos Norte

ABS-CBN News

Posted at Apr 28 2019 05:14 PM

Labintatlong tao ang nasugatan sa aksidenteng kinasangkutan ng isang van sa Barangay San Roque sa bayan ng Paoay, Ilocos Norte nitong umaga ng Linggo.

Sa imbestigasyon ng Paoay police, nag-overtake ang van sa sinusundang kotse at nasagi ito kaya nawalan ng kontrol ang driver.

Napalihis ang van mula sa kalsada at nalaglag sa bukid na may lalim na 10 talampakan, ayon sa pulisya.

Mabilis din ang pagpapatakbo ng van, ani Police Capt. Eddie Suyat, hepe ng Paoay police.

Nawasak ang sasakyan sa aksidente.

Naitakbo sa ospital ang mga biktima na nagtamo ng mga minor injury.

--Ulat ni Dianne Dy, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.