Gulong ng trak nagliyab sa NLEX

ABS-CBN News

Posted at Apr 28 2018 09:48 AM

MAYNILA - Nagliyab ang gulong ng isang trak sa North Luzon Expressway (NLEX) sa bahagi ng Apalit, Pampanga Biyernes ng gabi.

Ayon sa NLEX Traffic, itinawag ang insidente sa kanila pasado alas-10 ng gabi at agad naman itong nirespondehan.

Napalitan na ang gulong ng naturang trak ngunit hindi pa tukoy kung ano ang sanhi ng pagliyab nito.

Dagdag ng NLEX Traffic, nagdulot ang insidente ng pansamantalang pagbagal ng daloy ng trapiko.

Wala namang naitalang nasaktan sa insidente. - ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.