PatrolPH

2 patay sa QC buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Apr 28 2018 09:41 AM

MAYNILA - Patay ang 2 lalaki sa ikinasang buy-bust operation sa Barangay Sta. Monica, Novaliches, Quezon City Sabado ng madaling araw.

Ang isa sa mga nasawi ay kinilalang si Amado Villete habang ang isa ay kilala lamang sa alyas na Michael.

Ayon sa Quezon City Police District (QCPD) Station 4, nakipagtransaksiyon ang isang poseur buyer sa mga suspek.

Nang matunugan na pulis pala ito, tumakbo umano papunta sa masikip at madilim na eskinita ang mga suspek.

Nagkaputukan sa pagitan ng mga suspek at pulis, kung saan tinamaan ang dalawa.

Labis naman ang hinagpis ng asawa ni Villete. Giit nito, natutulog lang ang kaniyang asawa nang mabaril.

Patuloy pang iniimbestigahan ng mga pulis ang insidente. - ulat ni Arra Perez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.