2 patay sa pamamaril sa Calbayog

Ranulfo Docdocan, ABS-CBN News

Posted at Apr 28 2018 09:58 PM

CALBAYOG CITY, Samar—Patay ang 1 kandidato sa pagka-barangay chairman at kaniyang ama matapos pagbabarilin sa Barangay Catabunan sa lungsod na ito Huwebes ng hapon.

Kinilala ang mga biktima bilang sina Christopher Branzuela, kandidato sa pagka-barangay chairman, at ama niyang si Melanio.

Nakaligtas naman ang kasama na si Juanito Arnejo, 78.

Sa inisyal na imbestigasyon, napag-alaman na sakay ng motorsiklo ang 3 nang tambangan ng mga hindi pa kilalang salarin na nakasuot ng bonnet.

Nakuha mula sa crime scene ang 12 cartridge ng 5.56 mm.

Patuloy ang imbestigasyon at inaalam kung may kinalaman ito sa pulitika.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.