Warehouse sa Marikina, nasunog

ABS-CBN News

Posted at Apr 28 2017 07:28 PM | Updated as of Apr 28 2017 08:40 PM

MANILA - Sumiklab ang isang sunog sa isang warehouse sa Barangay Fortune, Marikina City nitong Biyernes ng gabi.

Kasalukuyang nakataas ang ikalimang alarma ng sunog. Bago ito, itinaas ang sunog sa ikatlong alarma 10 minuto bago mag alas-7 ng gabi.

Ayon sa Marikina Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog kaninang 6:30 ng gabi.

Patuloy pang inaapula ang apoy at inaalam pa rin ang pinagmulan ng sunog.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.