PatrolPH

Patay na sanggol itinapon sa dam sa Northern Samar

ABS-CBN News

Posted at Apr 27 2022 06:24 AM

BABALA: May detalye ang artikulong ito na sensitibo at maaaring hindi angkop sa lahat ng magbabasa.

Isang bagong silang na sanggol ang natagpuan sa isang dam sa bayan ng Catarman, Northern Samar, Lunes ng hapon.

Ayon sa mga awtoridad, nakita ng mga residente sa karatig na kabahayan ang naturang sanggol sa river control ng Barangay Baybay.

Patay na ito nang matagpuan.

Iniimbestigahan kung sino ang nagtapon ng sanggol. – Ulat ni Ranulfo Docdocan

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.