PatrolPH

Lalaki huli sa pagwawala sa Makati; panghahalay nabisto

ABS-CBN News

Posted at Apr 27 2022 02:52 PM

Watch more News on iWantTFC

Naaresto noong gabi ng Martes sa Makati City ang isang lalaki dahil sa umano'y pagwawala at natuklasang panghahalay sa 3 anak ng kaniyang kinakasama.

Ayon sa pulisya, pasado alas-9 ng gabi nang makatanggap sila ng sumbong na nagwawala ang 24 anyos na suspek sa bahay ng mga biktima.

Nagbabanta umano ang suspek na papatayin ang mga biktimang may mga edad 9, 10 at 13 kung hindi siya papapasukin ng bahay.

Nang dumating ang mga rumespondeng pulis, naglakas-loob ang mga bata na magsumbong tungkol sa umanoy' panghahalay sa kanila ng suspek.

Taong 2019 pa anila nagsimula ang pang-aabuso, na nangyayari kapag nasa trabaho ang ina ng mga bata.

Ipinasuri na sa medico-legal ang mga biktima habang sinampahan na rin ang suspek ng kasong rape.

— Ulat ni Jeffrey Caparas, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.