PatrolPH

Mag-ina timbog sa pagbebenta umano ng shabu sa Tagum City

ABS-CBN News

Posted at Apr 27 2021 06:08 PM

TAGUM CITY, Davao del Norte — Arestado ang isang mag-ina sa bayan na ito noong Linggo matapos silang kumagat sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya.

Kinilala ang mga suspek na sina Neña Mantawil at anak nitong si Maricel Mantawil.

Nasamsam mula sa mga suspek ang isang pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 1.1 gramo at nagkakahalaga ng P7,480.

Nasa kustodiya na ng Tagum City Police Station ang mag-ina na sinampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

—Ulat ni Hernel Tocmo 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.