Binaha ang ilang lugar sa Davao City dahil sa localized thunderstorms. Retrato mula sa Central 911
Binaha ang ilang lugar sa Davao City, gabi ng Lunes bunsod ng localized thunderstorms, dahilan para palikasin ang maraming residente.
Sa ulat ng Davao City Disaster Risk Reduction and Management Office, umabot hanggang dibdib ang lebel ng tubig sa Carlos P. Garcia Highway sa bahagi ng La Verna Subdivision.
Abot baywang naman ang baha sa bahagi ng Kilometer 9 sa Barangay Sasa.
Humupa na rin naman ang baha sa ilang lugar.
Isang pamilya ang ni-rescue matapos ma-trap sa pangalawang palapag ng kanilang bahay sa La Verna Hills.
Higit 10 residente rin ang sinagip sa Panacan.
Maraming residente naman ang inilikas sa gym ng Barangay Bunawan.
— Ulat ni Hernel Tocmo
KAUGNAY NA VIDEO
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPH, Tagalog news, Davao City, regions, rehiyon, regional news, baha, panahon, thunderstorm, Headline Pilipinas, Teleradyo, flood, flooding, Davao City flood, Davao City baha, Davao City flooding