PatrolPH

13 construction worker sugatan sa pagtagilid ng truck sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Apr 27 2021 01:45 PM

ILOILO - Sugatan ang 13 construction worker matapos matumba ang sinasakyang elf truck sa Brgy. Ungka 2, sa bayan ng Pavia sa probinsiyang ito, hapon ng Lunes. 

Sa imbestigasyon ng Pavia PNP, pauwi na ang truck na sinasakyan ng mga biktima sa Mandurriao, Iloilo city at pagdating sa lugar ay biglang may nag-overtake umanong motorsiklo, na dahilan upang mawalan ng kontrol ang driver.

Dire-diretsong humarurot ang motorcycle driver matapos ang insidente at hindi na nakita ng mga awtoridad. 

Nagpaliku-liko ang truck hanggang sa natumba ito at tumilapon ang sakay na mga construction workers.

Kaagad na dinala sa ospital ang 2 sakay ng truck matapos magtamo ng malubhang sugat sa ulo at sa ibat-ibang bahagi ng katawan.

Pinauwi naman kaagad ang iba pang biktima na nagtamo ng maliliit na galos at pananakit ng katawan pagkatapos mabigyan ng paunang lunas ng Municipal Disaster Risk Reduction Office - Pavia. 

-- Ulat ni Rolen Escaniel

KAUGNAY NA VIDEO: 

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.