Lalaking sinita dahil walang face mask, nahulihan ng droga

ABS-CBN News

Posted at Apr 27 2020 07:56 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nahulihan ng droga ang isang 20-anyos na lalaking sinita ng mga awtoridad dahil gumagala nang walang face mask sa Barangay 151 sa Malibay, Pasay. 

Ipinagbabawal sa lungsod ang paglabas ng bahay nang hindi nakasuot ng mask para pigilan ang pagkalat ng COVID-19. 

Dahil sa paglabag sa lokal na ordinansa, hiningian ng mga tanod ng ID ang suspek. Dito na nila napansin ang hawak nitong pakete ng hinihinalang dahon at buto ng marijuana. 

Mahaharap ang lalaki sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. 

Naka-lockdown ang Metro Manila hanggang Mayo 15 para masawata ang COVID-19. 

DZMM, Abril 27, 2020 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.