Lalaki sugatan sa pamamaril sa Quezon City

ABS-CBN News

Posted at Apr 27 2020 01:22 PM

MAYNILA — Sugatan ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salaring sakay ng motorsiklo sa Quezon City noong gabi ng Linggo.

Kinilala ni Police Maj. Regino Maramang, Jr. ang biktima bilang si Ronald Araneta, 24.

Lumabas si Araneta sa kaniyang bahay sa may Barangay San Martin de Porres, Cubao ilang minuto bago mag-alas-9 ng gabi nang sumulpot ang salarin, ayon kay Maramang.

Ilang beses umanong pinaputukan ng salarin ang biktima bago tumakas lulan ng motorsiklo.

Kasalukuyang nagpapagaling si Araneta sa Quirino Memorial Medical Center.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya hinggil sa motibo sa pamamaril. 

-- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.