MAYNILA — Sinimulan na ng lokal na pamahalaan ng Makati City ang paggamit ng cashless transaction para maiwasan ang aktuwal na paghaharap ng frontlinerss at mga residente sa tuwing maghahatid ng ayuda ang lungsod.
Sa pamamagitan nito, direktang naihahatid ang ayuda sa benepisyaryo at naiiwasan ang mahabang pila ng mga tao.
Ang tricycle driver na si Mark Lagorza, sumugod sa grocery matapos matanggap ang ayuda mula sa LGU.
"Napakalaking tulong po 'yung binigay sa akin ni mayora ngayon," aniya.
"Makatizen card" ang gamit ni Lagorza na pambayad dahil dun pinadala ng city government ang P2,000 ayuda.
Ayon sa Makati Tricycle Federation, ito na ang pangalawang beses na nakatanggap ng tulong ang halos 6,000 mga tricycle driver sa Makati.
Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, electronic money ang pinili nilang paraan para maghatid ng ayuda para maiwasan na magharap-harap pa ang mga tao
Ngayong extended hanggang Mayo 15 ang enhanced community quarantine, sinasapinal na ng lokal na pamahalaan ang kanilang recovery plan para sa lunsod. —Ulat ni Jorge Cariño, ABS-CBN News
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
PatrolPh, Tagalog news, balita, TV Patrol, TV Patrol Top, ayuda, Makati City, Makatizens