PatrolPH

Piloto patay sa pagbagsak ng spray plane sa Davao del Norte

Vina Araneta, ABS-CBN News

Posted at Apr 27 2019 11:19 AM | Updated as of Apr 27 2019 08:53 PM

Piloto patay sa pagbagsak ng spray plane sa Davao del Norte 1
Inaalam pa ng awtoridad kung ano ang naging sanhi ng pagbagsak ng spray plane na ikinamatay ng piloto nito sa Carmen, Davao del Norte. Larawan mula kay Angelito Pialago

CARMEN, Davao del Norte (UPDATE) – Patay ang isang 25 anyos na lalaki matapos bumagsak ang pinapalipad niyang spray plane sa Purok 1, Barangay Mangalcal dito sa bayan, Sabado ng umaga.

Dead on arrival sa Carmen District Hospital ang pilotong si Jessie Kevin Lagapa.

Watch more on iWantTFC

Ayon sa Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP), nagsasagawa ng aerial spraying si Lagapa sa plantasyon ng saging mula Barangay Kasilak, Panabo City nang masilaw umano ito sa sinag ng araw at tumama sa high-tension wire. 

Ang spray plane na gamit ng piloto ay isang single-engine biplane. 

Bumagsak ang eroplano sa sakahan ng isang Alodia Omega.

Nagpadala na ng mga imbestigador ang Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board ng CAAP sa lugar para siyasatin ang naganap na aksidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.