Tattoo artist huli sa pagbebenta ng marijuana

Roxanne Arevalo, ABS-CBN News

Posted at Apr 27 2018 12:03 PM

Timbog ang isang tattoo artist dahil sa pagbebenta ng marijuana sa isang undercover cop sa Barangay Saray sa Iligan.

ILIGAN – Inaresto ang isang tattoo artist dahil sa pagbenta ng marijuana sa isang undercover police officer sa Barangay Saray, Huwebes ng umaga.
 
Nakuha mula sa 22-anyos na suspek ang 37 sachets ng pinatuyong dahon ng marijuana na nagkakahalaga ng P500 ang isa.

Ayon sa suspek na taga Lilo-an, Cebu, kumukuha siya ng kaniyang supply sa Toledo City at ibinabagsak niya sa Iligan at Cagayan de Oro. Karamihan sa mga customers niya ay kaniyang tattoo clients.

Tinutukan umano ng awtoridad ang suspek na naka 3 balik na sa Iligan.

Nakasuhan na ng paglabag sa Dangerous Drugs Act ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.