Ipo-ipo, namataan sa Leyte

ABS-CBN News

Posted at Apr 27 2018 05:25 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

Kuha ni Alyssa Eusala de Gracia-Chua

LEYTE - Isang ipo-ipo ang nakita Huwebes ng hapon sa karagatan sa Leyte.

Ayon sa residenteng si Alyssa Eusala de Gracia-Chua, palubog na ang araw nang mapansin nila ang ipo-ipo sa may Carigara Bay. 

Kita nila ito mula sa kanilang tirahan na malapit sa dagat sa Barangay Nauguisan. 

Aniya, tumagal ng halos 30 minuto ang ipo-ipo bago ito unti-unting nawala.

Pagkatapos ng ipo-ipo ay saka naman nila naramdaman ang malakas na hangin at ulan pero hindi rin naman ito nagtagal.

Ayon naman sa Municipal Disaster Risk Reduction Office o MDRRMO ng Carigara, ilang residente sa coastal areas ng bayan ang nakakita sa ipo-ipo pero malayo naman ito sa kalupaan at hindi naman nagdulot ng pinsala. - ulat ni Melanie Bingco, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.