Buntis na 'tulak', timbog sa drug bust

Madonna Timbal-Senajon, ABS-CBN News

Posted at Apr 27 2018 10:11 AM

Hindi na nakapalag pa ang anim na buwang buntis na suspek matapos siyang arestuhin sa ginawang buy-bust operation sa Jacinto Extension sa Davao City, Abril 26, 2018.

DAVAO CITY – Arestado ang isang buntis sa isang buy-bust operation sa Jacinto Extension, Huwebes ng gabi.

Ikinulong sa San Pedro Police ang 6-buwang buntis na suspek matapos mahulihan ng 3 sachets ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P4,500.

Kilala umanong tulak ng ilegal na droga ang buntis at customer nito ang mga kasamahang commercial sex workers.

Alam 'diumano ng suspek ang hindi magandang epekto ng ilegal na droga sa kaniyang ipinagbubuntis pero naengganyo aniya siyang gumamit nito.

Isinailalim sa drug test ang suspek na mahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.