ALAMIN: Mga trabaho 'abroad' na maaaring gawin sa bahay

ABS-CBN News

Posted at Apr 27 2018 08:48 PM

Watch more in iWantv or TFC.tv


Alam niyo bang may mga trabaho "abroad" na maaari niyong pagkakitaan at gawin kahit hindi umaalis ng bahay?
    
Sa pamamagitan ng job portal o website na HomeJobs.ph, naiuugnay ang mga naghahanap ng trabaho sa Pinas sa mga kompanya abroad na naghahanap ng sari-saring serbisyo.

Ayon sa chief executive officer nitong si Jeremy Raymond, natipuhan niyang dalhin ang naturang website sa bansa dahil sa husay ng mga Pinoy sa wikang Ingles. 

Aniya, mas nadadalian ang mga dayuhan makipag-usap sa mga Filipino ukol sa mga transaksiyon kaysa sa mga taga-ibang mga bansa.

"The Filipinos speak English. I mean, the language that we're speaking together now is English. You know, we go to Thailand, we go to Vietnam, it's very challenging. But then when you come to the Philippines, everything's in English," paliwanag niya.

Tingin niya, malaking tulong ang kaniyang website sa mga Pinoy na nahihirapan dahil sa kanilang kalbaryo sa traffic.

"We provide more opportunities to Filipinos to find work from abroad, without having to leave the country, and earn 3 to 4 times more, from what they would traditionally earn here in the Philippines and [they] never have to worry about traffic," pagmamalaki ni Raymond.

Isa sa mga nakinabang dito ang dating bank employee na si Nilette Mayoralgo.

Sa ngayon, napagsasabay ni Mayoralgo ang pag-aalaga sa anak, pag-o-online selling, at pagiging graphics specialist sa HomeJobs, na noon ay hindi niya magawa bilang normal na empleyado.

"Before hindi siya possible lalo na kung sa bangko ka nagwo-work," aniya.

Dahil sarili niya ang oras, mas mahaba ang pagkakataon niya sa kaniyang baby at mister.

Walang ring traffic at walang overtime, at kahit anong araw, puwedeng mag-day off. 

Maaaring puntahan at mag-sign up sa naturang website kung nais makahanap ng parehong trabaho.
    
--Ulat ni Jorge Cariño, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.