PatrolPH

Cebu City jail guards, nagbigay tulong sa mga biktima ng bagyong Agaton

ABS-CBN News

Posted at Apr 26 2022 01:19 PM

Naghatid ng tulong ang Cebu City jail guards sa nasa 100 pamilyang naapektuhan ng bagyong Agaton. Larawan mula sa Cebu City Jail male dormitory
Naghatid ng tulong ang Cebu City jail guards sa nasa 100 pamilyang naapektuhan ng bagyong Agaton. Larawan mula sa Cebu City Jail male dormitory


Nakatanggap ng cooking sets mula sa Cebu City Jail (CCJ) male dormitory ang nasa 100 pamilyang naapektuhan ng pagbahang dala ng bagyong Agaton sa Baybay, Leyte nitong Lunes. 

Bumiyahe nang halos isang araw ang mga jail guard na nakauniporme pa marating lang ang mga barangay ng Higoloan, Cambuggan, Gubang at Bobon. 

Ayon kay CCJ warden Jail Supt. Jose Rusylvi Abueva, gusto nilang ibsan ang gutom ng mga pamilyang nasa evacuation center pa rin kaya binigyan sila ng mga panluto.

Kasama sa ibinigay nilang cooking sets ang portable stove, butane canisters at mga pinggan. 

Ani Abueva, sisikapin nilang makabalik upang magdala ng iba pang mga kinakailangan ng mga nasalanta.

Nasa 212 ang namatay habang 132 pa ang nawawala nitong Linggo dahil sa pananalasa ng bagyong Agaton noong Semana Sana, ayon sa disaster agency. 

—Ulat ni Annie Perez

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.