ASEAN scholarship, bukas na para sa kabataang Pilipino sa Singapore

Annalyn 'Apol' Mabini | TFC News Singapore

Posted at Apr 26 2022 01:55 PM

SINGAPORE – Naglabas ng abiso ang Ministry of Education o MOE Singapore na bukas na ang ASEAN Scholarship para sa kabataang Pilipino mula sa nasabing bansa at mula sa iba pang ASEAN countries kabilang na ang China.  

Ang mga kwalipikadong estudyante ay bibigyan ng pagkakataong makapag-aral ng libre sa Singapore kung saan mahuhubog ang kanilang leadership skills, communication at iba pang life skills.  

Maaaring mag-apply sa scholarship ang mga sumusunod na kabataang Pilipino: 

  • Ipinanganak noong January 2, 2006 hanggang January 1, 2009 
  • Kasalukuyang estudyante ng Grade 9 pataas 
  • Mahusay sa wikang Ingles 
  • Consistent na mataas ang grado sa mga exam 
  • May good record ng participation sa co-curricular activities 

Tatakbo ang scholarship hanggang apat (4) na taon mula Secondary 3 hanggang Pre-University 2 patungo sa Singapore-Cambridge GCE A-Level certificate o katulad na certification. Ire-renew ang scholarship kada taon base sa performance ng estudyante. 

Ang mga sumusunod ang benepisyo ang naghihintay sa kwalipikadong scholar: 

  • Annual allowance na may kasamang hostel accommodation 
  • Settling-in allowance 
  • Return economy airfare 
  • School fees 
  • Examination fees para sa GCE O-Level t A-Level (once only, as applicable) 
  • Subsidised medical benefits at insurance cover para sa aksidente 

Maaaring mag-apply para sa scholarship hanggang May 13, 2022. Kailangan lamang magparehistro sa official website ng MOE Singapore