PatrolPH

5 ektarya ng kakahuyan sa Davao del Norte nasunog

ABS-CBN News

Posted at Apr 26 2022 10:23 PM

Larawan ni Boyaks Dela Pieza
Larawan ni Boyaks Dela Pieza

Tinatayang limang ektarya ng kakahuyan ang nasunog malapit sa tuktok ng bundok sa Island Garden City of Samal, Davao del Norte, Lunes ng gabi.

Aabot sa halos apat na oras bago tuluyang naapula ang sunog sa Mt. Puting Bato.

Ayon sa Samal Central Fire Station, kabilang sa mga nasunog ang mga punong itinanim sa tree planting activities sa lugar.

Wala namang imprastrakturang nadamay at walang casualty sa pangyayari.

Isa sa mga tinitingnan ng mga bumbero na maaring sanhi ng sunog ang itinapong sigarilyo roon.—Ulat ni Hernel Tocmo

KAUGNAY NA ULAT

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.