PatrolPH

Drive-thru COVID-19 testing para sa mga tsuper inilunsad sa Davao City

ABS-CBN News

Posted at Apr 26 2021 12:36 PM

Drive-thru COVID-19 testing para sa mga tsuper inilunsad sa Davao City 1
Inilunsad nitong Abril 26, 2021 ang drive-thru COVID-19 testing para sa mga tsuper ng mga pampublikong saskayan sa Davao City. Retrato mula kay Councilor Joselle Villafuerte

Inilunsad ngayong Lunes sa Davao City ang isang drive-thru COVID-19 testing site sa para sa mga tsuper ng mga pampublikong sasakyan.

Karamihan sa mga pumila sa testing site na nasa Barangay Ma-a ay mga jeepney driver alinsunod na rin sa kautusan ng lokal na Land Transportation Franchising and Regulatory Board ukol sa mahigpit na pagsasailalim sa swab test.

Itinatag ang swab test site para rin madagdagan ang swabbing sites sa lungsod at ma-decongest ang Santa Ana Health Center, sabi ni Davao City acting health officer Dr. Ashley Lopez.

Plano rin umanong maglagay ng local government unit ng swabbing sites sa Magsaysay Park at People's Park.

Nitong Abril sinimulan ng lokal na pamahalaan ang community testing para matukoy kung sino sa iba't ibang sektor ang may COVID-19.

Balak naman isunod sa PUV drivers ang mga delivery service rider.

Bukas ang testing site sa Barangay Ma-a tuwing umaga hanggang Mayo 8.

— Ulat ni Hernel Tocmo

RELATED VIDEO:

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.