Sunog sumiklab sa residential building sa Tondo

Jekki Pascual, ABS-CBN News

Posted at Apr 26 2020 09:20 AM

MAYNILA - Dalawa ang sugatan matapos masunog ang isang residential building sa Tondo, Maynila nitong Linggo.

Nagsimula ang apoy sa ikatlong palapag ng gusali sa Penalosa corner Juan Luna, Tondo, at umabot sa ikalawang alarma bago naapula alas 6:58 ng umaga, ayon sa Bureau of Fire Protection.

Ayon sa ilang residente, nagulat na lang sila na malaki na ang sunog paggising nila. Naitala ang first alarm 6:16 ng umaga.

Nagtamo ang dalawang tao ng minor injury habang tinatayang P300,000 ang danyos ng sunog.

Paalala ng BFP, mag-ingat sa paggamit ng electrical appliance ngayong tag-init at nakasailalim sa lockdown ang mga residente kaya may posibilidad ng electrical overload.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.