Pribadong kompanya, nagpahiram ng mga motorsiklo sa enforcers na naka-duty sa EDSA

ABS-CBN News

Posted at Apr 26 2020 03:25 PM

MAYNILA — Isang pribadong kompanya ang nagpahiram ng mga motorsiklo sa mga traffic enforcer na nagmo-monitor ngayon sa EDSA sa gitna ng umiiral na enhanced community quarantine sa Luzon, ayon sa tagapagsalita ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Ayon kay MMDA assistant secretary Celine Pialago, 8 Maverick electric motorcycles ang ipinahiram ng Star 8 Green Technology Corp. sa mga traffic constable na naka-duty sa EDSA. 

Ayon kay Pialago, nahihirapan kasi ang ilang enforcer na pumasok sa trabaho at lumipat ng puwesto dahil walang masakyan. 

Dahil dito ay malaking tulong umano ang mga ipinahiram na motorsiklo ng Star 8 Green Technology, sabi ni Pialago.

Bukod dito, may nakalaan ding libreng sakay ang MMDA para ibiyahe ang kanilang mga empleyado, ganon din ang mga health worker. —Ulat ni Michael Joe Delizo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.