PatrolPH

'Market ni Misis' naghatid ng murang gulay sa Taguig

ABS-CBN News

Posted at Apr 26 2020 02:47 PM

'Market ni Misis' naghatid ng murang gulay sa Taguig 1
Umarangkada ngaying Linggo sa Taguig ang isang mobile palengke na nagbebenta ng mga gulay sa mas murang halaga. ABS-CBN News

MAYNILA — Inilunsad ngayong Linggo sa Taguig City ng isang non-profit organization (NGO) ang kanilang mobile palengke na nagbebenta ng mga gulay sa mas murang halaga.

Sa paglulunsad ng Market ni Misis, layon ng grupong Mesa ni Misis na makapaghatid ng masustansiyang gulay sa mga residente.

"'Yong presyo po namin is pesos cheaper than what you will find in normal palengke," ani Mesa ni Misis founder Juana Manahan-Yupangco.

"'Yong purpose ng... NGO namin is eating more gulay lalo na sa time ng pandemic, lahat ng tao gusto mag-boost ng immune system," dagdag niya.

Bukod sa paghahatid ng bagsak-presyong gulay, nakatutulong rin ang grupo sa mga nagbebenta ng gulay sa Nueva Vizcaya.

"'Yong mga gulay, galing po 'yan deretso from the farmers," ani Yupangco.

Dagdag pa ni Yupangco ay mahalaga ang bayanihan ngayong panahon na humaharap sa krisis sa coornavirus ang bansa. -- Ulat ni Ganiel Krishnan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.