UV Express, nagliyab sa Makati

Anjo Bagaoisan, ABS-CBN News

Posted at Apr 26 2019 12:15 PM

MAYNILA - Nagliyab ang isang UV Express habang bumabaybay sa Ayala Avenue sa may Ayala Triangle sa Makati, Biyernes ng madaling araw. 

Ayon sa Makati fire station, agad namang naapula ang apoy at walang nasaktan dahil nakalabas ang driver at mga pasahero nito. 

Natupok ang buong sasakyan, kasama ang mga naiwang gamit ng ilan sa mga nakasakay. 

Sa paunang imbestigasyon, nanggaling ang pagliyab sa unahang bahagi ng sasakyan kaya naalerto ang mga sakay at bumaba sa gilid ng kalsada.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng pagliyab. 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.