ALAMIN: Mga kalsadang kukumpunihin sa Metro Manila, Abril 26-29

ABS-CBN News

Posted at Apr 26 2019 02:15 PM

MAYNILA — Nag-abiso ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na magkakaroon ng road reblocking at repair o pagkukumpuni sa ilang kalsada sa Metro Manila simula alas-11 ng gabi ng Biyernes, Abril 26. 

Gagawin ito hanggang alas-5 ng umaga ng Lunes, Abril 29 sa mga sumusunod na kalsada:

NORTHBOUND: 

  • EDSA New York – Aurora Boulevard (unang lane mula sa bangketa)


SOUTHBOUND

  • EDSA, kaharap ng Baliwag Transit hanggang New York St. (una at ika-2 lane mula sa bangketa)
  • EDSA 50 metro pagkalagpas ng Magallanes MRT hanggang KM 29 (outer lane)
  • C-5 Road kaharap ng SM Aura (gitnang lane)

Inaabisuhan ang mga motorista na iwasan ang mga nabanggit na lugar at gumamit na lamang ng mga alternatibong ruta. 
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.