17 babaeng ibinubugaw, nasagip sa Cavite

ABS-CBN News

Posted at Apr 26 2019 04:41 AM | Updated as of Apr 26 2019 07:05 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Nasagip sa Cavite ang 17 babae na ginagamit umano sa prostitusyon.

Walo sa mga biktima ay menor de edad na ibinubugaw sa halagang P5,000.

"Mas bata at maputi, mataas presyo. 'Pag may edad na, mababa na," ani Police Lt. Col. Samuel Mina Jr. ng Philippine National Police-Women and Children Protection Center (PNP-WCPC).

Naaresto ang isang menor de edad na siya umanong nagbubugaw sa mga biktima. Niyaya niya ang mga ito sa social media at tinagpo sa Las Piñas.

"Sabi po party lang daw, sasayaw," pahayag ng isang biktima.

"Hinila lang ako ng kaibigan ko, 'di ko alam na ganito," kuwento ng isa.

Giit ng suspek, nitong taon lang niya sinimulan ang pambubugaw. Kumikita siya ng P1,500 kada babae.

"Dala rin ng pangangailangan sa pera," depensa nito.

Paalala ng pulisya sa mga magulang, maging mapagmatyag sa ginagawa ng mga anak.

"Nakikita ko while rescuing victims, nawawala ang parental responsibility. Kailangan din i-involve 'yung responsibilidad ng magulang," dagdag ni Mina. - Ulat ni Jervis Manahan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.