Sekyu patay sa pananaksak sa Boracay

ABS-CBN News

Posted at Apr 26 2018 08:39 PM

Sa unang araw ng 6-month closure ng Boracay, isang off-duty security guard ang patay matapos masaksak sa Station 3 sa isla.

Ayon sa kaibigan ng biktimang si Jaylord dela Vega, kumakain lamang sila nang hindi nagustuhan ng isang grupong nag-iinuman ang pagkanta ni dela Vega. 

Nauwi aniya ito sa away at humantong sa pagkakasaksak ni Dela Vega.

"Pumunta lang po kami dito para kumain. Tapos kumanta kami, may mga umiinom diyan, sarap ng kanta ng kasama ko bigla na lang sinaksak," ani Michelle Mendoza, kaibigan ni dela Vega.

Tinakbo si dela Vega sa Ciriaco Tirol Hospital at sinubukang bigyan ng lunas sa emergency room ngunit binawian din ng buhay. 

Nahuli ng pulisya ang mga salarin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.