P60-M halaga ng pekeng beauty products mula Tsina, nasabat sa Davao

Paul Palacio, ABS-CBN News

Posted at Apr 26 2018 09:59 PM

Nasa P60 milyong halaga ng pekeng beauty products mula Tsina ang nakumpiska sa Davao City noong Biyernes, Abril 20. Paul Palacio, ABS-CBN News

Nakumpiska ng Bureau of Customs ang P60 milyong halaga ng smuggled at pekeng beauty products sa Davao City noong Biyernes, Abril 20.

Ayon sa BOC, nabigo ang may-ari nito na magpakita ng proof of payment of duties and taxes sa mga awtoridad.

Mismong si Customs Commissioner Isidro Lapeña ang nagpakita ng mga smuggled at pekeng beauty products.

Nanggagaling sa bansang Tsina ang mga nakumpiskang produkto.

Ayon kay Atty. Romalino Valdez, acting district collector ng Davao City, lumabag sa Intellectual Property Code of the Philippines at Customs Modernization and Tariff Act ang may-ari ng mga nakumpiskang produkto.

"Anything that is counterfeit malalaman po natin iyan by looking exactly at the packaging na wala pong address ng manufacturer at ang diperensiya po niyan kapag ang presyo ay napakalayo doon sa talagang retail price niya," aniya.

Nababahala naman ang Bureau of Customs sa kalusugan sa mga taong makabili ng mga pekeng beauty products.

"For all we know iyung iba diyan will be even hazardous to ,health baka mamaya ay gumagamit thinking na gaganda ka, iyun pala iyung skin nasisira without you knowing it," ani Lapeña.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.