Kagawad ng barangay, huli sa drug bust sa Negros

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Apr 26 2018 09:02 AM

Inihahanda na ng awtoridad ang kaso laban sa arestadong suspek na 'di umano'y level 3 high value target ng pulisya. Photo courtesy of Hinigaran Police 

HINIGARAN, Negros Occidental – Isang kagawad ng barangay na binansagang high-value target ng pulisya ang naaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay 3, Miyerkoles ng hapon.

Nasamsam mula sa suspek ang 3 sachet ng pinaghihinalaang shabu na tinatayang P84,000 ang halaga.

Ayon sa pulisya, ang 59-anyos na suspek ay level-three high value target ng Negros Occidental Police Provincial Office.

Protektor umano ang suspek ng isang grupong may kaugnayan sa ilegal na droga, ayon kay Chief Inspector Jake Barila.

Karamihan umano sa mga kilalang drug personalities sa Hinigaran ay nasa ilalim ng matrix ng suspek, dagdag ni Barila.

Inihahanda na ng awtoridad ang kaso laban sa suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.