Tiniyak ng Pilipinas ang patuloy na pagsuporta nito sa mga programa ng ASEAN-China Centre o ACC sa pamamagitan ni DFA Undersecretary for Bilateral Relations and ASEAN Affairs Ma. Theresa P. Lazaro sa kanyang pakikipagpulong kay ACC Secretary-General Shi Zhongjun noong April 17, 2023.
“We can expect the usual active participation of the Philippines in the activities of the ACC through the Philippine Embassy in Beijing and the Philippine Permanent Mission to ASEAN in Jakarta,” pahayag ni Undersecretary Lazaro.
DFA Undersecretary for Bilateral Relations and ASEAN Affairs Ma. Theresa P. Lazaro (third from left) sa kanyang pakikipagpulong kay ASEAN-China Centre Secretary-General Shi Zhongjun (fourth from left) kasama ang iba pang opisyal
Ayon pa sa DFA, ang ACC ay isang intergovernmental organization na nakabase sa Beijing, China. Binuo ang samahan mula sa sampung (10) ASEAN Member States at ng bansang China na may layong magsulong ng relasyon ng ASEAN at China sa larangan ng trade, investment, education, culture, tourism, information at public relations.
Binigyang diin ni Secretary General Shi sa kanilang talakayan ang mga programa ng ACC para sa patuloy na kooperasyon ng mga miyembro sa priority areas tulad ng large-scale expos at forums at capacity-building para sa micro, small at medium enterprises o MSMEs.
Kabilang sa mga proyekto ng ACC ang pagbibigay ng language training sa tourism professionals at isinama na rin ang nasabing lenggwahe sa ilang vocational training programs sa mga bansa sa ASEAN.
Ngayong 2023, bukod sa kanilang regular forums, maglulunsad din ang ACC ng espesyal na mga talakayan para sa economic cooperation at sustainable development.
Pinuri naman ni SG Shi ang ginawang ratipikasyon ng Pilipinas para sa Regional Comprehensive Economic Partnership o RCEP na itinuturing na pinakalamaking regional free trade agreement sa buong mundo. Dagdag pa ni SG Shi, magpapatuloy ang magandang interaksyon sa pagitan ng Pilipinas at China.