MAYNILA — Isang helicopter ang itinuturing na matibay na ebidensiya ng Department of Justice (DOJ) na magdidiin sa mga suspek at mastermind sa pagpatay kay Negros Oriental Governor Roel Degamo.
Ang helicopter ay pag-aari umano ng suspendidong mambabatas na si Arnolfo Teves Jr., at ituturo ng ebidensiyang ito ang naging partisipasyon ng mambabatas sa krimen, ani DOJ Sec. Jesus Crispin "Boying" Remulla.
“That’s one of the signs of the participation of Teves in the crime. Just one, among many other signs that are there in the body of evidence,” ani Remulla.
Una nang sinabi ng kalihim na ang naturang helicopter na natagpuan ng mga awtoridad sa isang hangar sa Dumaguete City, Negros Oriental ang ginamit para ilipad ang umano’y gunmen na kasama sa mga
pumatay kay Degamo noong Marso 4, 2023.
Hindi naman kumbinsido si Remulla na may tauhan din si Degamo na kasama sa mga pumatay sa kaniya at aniya'y walang basehan ang anggulong ito.
KAUGNAY NA ULAT:
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.