Higit 500 na health workers sa Sulu ang nakatanggap ng tig-isang sako ng bigas mula sa provincial government. Kuha ng Sulu Task Force COVID-19
Higit 500 health workers sa lalawigan ng Sulu ang nakatanggap ng tig-isang sakong bigas mula sa provincial government nitong Biyernes.
Ayon kay Jainab Abdulmajid, tagapagsalita ng Sulu Task Force COVID-19, isang paraan ito ng kanilang lokal na pamahalaan para pasalamatan at iparamdam sa mga health workers na pinapahalagahan ng gobyerno ang kanilang sakripisyo sa patuloy na pakikipaglaban sa gitna ng banta ng naturang pandemic.
Sa ngayon, 6 na ang namatay sa Sulu na itinuturing na suspected case ng COVID-19. Apat dito ay nag-negatibo na sa COVID-19 test, habang dalawang pasyente ay hinihintay pa ang resulta ng kanilang COVID-19 test mula sa Research Institute for Tropical Medicine sa Muntinlupa.
Umabot na din sa 64 ang naiulat na suspected COVID-19 cases sa probinsya, pero dalawa na lang dito ang sumasailalim sa quarantine, habang ang karamihan ay natapos na ang 14-day mandatory quarantine na walang naramdaman na sintomas ng sakit.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
Regional news, Tagalog news, Sulu, Sulu health workers, Sulu frontliners, Sulu free rice