Bilang ng mga residenteng inaresto sa Sampaloc 'hard lockdown', higit 100 na

ABS-CBN News

Posted at Apr 25 2020 01:14 AM

Higit 100 residenteng lumabag sa home quarantine ang inaresto na sa pangalawang gabi ng sinasabing "hard lockdown" sa distrito ng Sampaloc, Maynila.

Ayon sa Sampaloc Police nitong Biyernes, 109 na residente na ang nahuling lumabas ng bahay na walang pahintulot.

Ang nasabing distrito pa rin ang may pinakamataas na kaso ng COVID-19 sa Maynila na higit 110 pasyente na.

Habang ipinatutupad ang hard lockdown, pagkakataon ito ng Manila health department para magsagawa ng mass testing sa mga residenteng natukoy sa contact tracing. — Ulat ni Dexter Ganibe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.